Pagpapatuloy ng iba pang naval exercises, asahan na sa ilalim ng Marcos Administration

Facebook
Twitter
LinkedIn

Asahan ang marami pang naval exercises o mga kalahintulad na capability demonstration sa ilalim ng Marcos Administration.

Pahayag ito ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa ginanap na capability demonstration ng surface-to-air missile system ng Philippine Navy (PN) sa San Antonio, Zambales.

Ayon sa Pangulo, kinukumpleto na ng pamahalaan ang iba pang nakalinyang proyekto ng Philippine Navy, maging ang commissioning o pagbili sa iba pang kagamitan.

Nakatutok na rin aniya ang gobyerno sa horizon three ng AFP Modernization program.

Kaugnay nito, umapela naman ang pangulo sa hanay ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na tiyaking sumasailalim sila sa angkop na pagsasanay at capacity building, lalo na aniya iyong mga tauhan na mag-o-operate ng mga major naval asset, na mangangailangan ng highly technical training.

“We are now working on horizon three of the AFP modernization program. As we do so, let us likewise ensure parallel training and capacity building for our personnel, especially for those who would actually operate and maneuver these major naval assets and with the backing of their highly technical training,” — Pangulong Marcos. 

Ang Mistral 3 SAMs ay mayroong 90-millimeter high-explosive warheads, at range na higit sa three nautical miles at speed na 2.7 Mach. Kabilang ito sa primary weapons ng Jose Rizal-class multi-mission capable frigates, na magpapalakas sa defensive capability nito laban sa hostile aircraft. | ulat ni Racquel Bayan

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us