Nagpulong ang mga opisyal gayundin ang mga kinatawan ng Bureau of Customs – Port of NAIA (BOC-NAIA) at ang Supply Chain and Logistics Management Division ng Department of Trade and Industry (DTI).
Dito, kanilang tinalakay ang posibleng adaptation ng electronic o e-airwaybill, single clearance certificate on transit cargoes at iba pang logistical measures.
Ayon kay BOC-Port of NAIA Acting District Collector, Atty. Yasmin Mapa, layon nitong mapadali ang pangangalakal at alinsunod na rin ito sa kautusan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na digitalization sa mga tanggapan ng pamahalaan.
Kabilang sa mga nakapulong ni Mapa ay ang mga kinatawan mula sa DTI Supply Chain sa pangunguna ni ASec. Mary Jean Pacheco at iba pang miyembro mula sa Air Logistics Sectors. | ulat ni Jaymark Dagala