Sang-ayon si Senate Majority Leader Joel Villanueva na marepaso ang prangkisa ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) sa gitna ng mga nangyayaring brownouts sa bansa.
Giniit ni Villanueva, na dapat maging proactive ang pamahalaan sa pagtitiyak na may sapat na power supply ang bansa lalo na sa nakaambang pag-iral ng El Niño.
Kaugnay nito, ipinunto ng senador na inihain niya na ang Senate Resolution 556, na nananawagan sa Department of Energy (DOE) at iba pang concerned agencies na ipresinta ang mga programa, aktibidad at mga inisyatibo para masiguro ang patuloy na suplay ng kuryente sa Pilipinas sa paglipas ng mga taon.
Matatandaang una na ring sinabi ni Senate Committee on Public Services Chairperson Senador Grace Poe, na bukas siyang busisiin ang pagsunod ng NGCP sa kanialng franchise contract. | ulat ni Nimfa Asuncion