Pagsusulong ng matatag at malusog na komunidad ng PH at US, asahan na kasunod ng official working visit ni PBBM sa Washington

Facebook
Twitter
LinkedIn

Asahan na ang mas mahigpit na kooperasyon sa pagitan ng Estados Unidos at Pilipinas para sa pagsulong ng mas matatag at mas malusog na komunidad.

Sa naging bilateral meeting nina Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. at US President Joe Biden, kabilang sa inanunsyo ng mga ito ang inisyatibo para sa pagpapaigting ng food security sa bansa.

Sa ikalima ng Mayo, iko-convene ng Department of Agriculture ng Pilipinas at US, ang Food Security Dialogue.

Layon nitong i-advance ang kalakalan ng produktong pang-agrikultura, inobasyon at sustainability sa agri sector.

Susuportahan rin ng US ang effort ng Pilipinas na tiyakin ang water security sa bansa, sa pamamagitan ng pagbababa ng 100 million US dollars sa susunod na limang taon, upang mapalawak ang access ng mga Pilipino sa ligtas na drinking water, habang nagbibigay ng sanitation services sa higit 710, 000 na indibidwal.

Sa usapin naman ng disaster risk reduction, nasa $5.3-million US dollars na assistance ang inilaan para sa pagpapaigting ng national at local capacity ng Pilipinas, sa pagtugon sa sakuna.

Habang patatatagin rin ng dalawang bansa ang water infrastructure, supply, at distribusyon system. | ulat ni Racquel Bayan

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us