Tatalakayin ng National Disaster Risk Reduction and Management Council ang posibleng pagtaas ng red alert status bilang paghahanda sa Super Typhoon Mawar.
Ayon kay NDRRMC Spokesperson Assistant Secretary Raffy Alejandro, ito’y pag-uusapan sa Pre-Disaster Risk Assessment (PDRA) meeting ngayong araw.
Sa isang statement ngayong umaga, sinabi ni Alejandro na kasalukuyang nakataas ang blue alert status kung saan nagsasagawa ng continuous monitoring ang Office of Civil Defense (OCD) at kanilang Regional Offices sa sitwasyon sa kanilang lokalidad.
Inalerto na aniya ang local government units (LGU) na nasa ‘western seaboard’ ng bansa kung saan inaasahang papasok ang bagyo.
Inalerto na rin aniya ang mga nasa ‘eastern seaboard’ na maaapektuhan naman ng southwest monsoon na inaasahang palalakasin ng bagyo.
Sa ngayon aniya ay naka-standby na ang iba’t ibang response teams, habang patuloy ang stockpiling at pre-positioning ng relief goods. | ulat ni Leo Sarne