Pagtatag sa Philippine Atomic Energy Regulatory Authority, umusad na sa Kamara

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nakausad na sa Mababang Kapulungan ng Kongreso ang panukalang batas na layong magtatag sa Philippine Atomic Energy Regulatory Authority o PhilATOM.

Kasunod ito ng pag-apruba ng Ways and Means Committee sa tax at revenue provisions ng substitute bill ng “Philippine National Nuclear Energy Safety Act.”

Nakapaloob din sa panukala ang palalatag ng isang komprehensibong “legal framework” para sa “radiation safety” at standards para sa maayos at ligtas na paggamit ng nuclear energy.

Gayundin ang rekisitos sa authorization at regulation ng nuclear energy applications.

Para kay Albay Representative Joey Salceda, chair ng komite, napapanahon nang magkaroon ng “guiding framework” para magamit ang nuclear energy sa ating bansa.

Dapat na rin aniyang itigil ang pananakot sa sarili at sa halip ay pagkatiwalaan bilang gabay ang agham at kasaysayan para sa isinusulong na paggamit ng nuclear energy.  |  ulat ni Kathleen Jean Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us