Ipinunto ng Pilipinas ang kahalagahan ng pagkakaroon ng rules-based order upang mapaigting pa nito ang kanilang ugnayan sa iba’t ibang bansa
Ito ang binigyang diin ni Department of Foreign Affairs o DFA Sec. Enrique Manalo sa kaniyang katatapos pa lamang na talumpati sa National Graduate Institute for Police Studies sa Tokyo, Japan ngayong araw.
Tatlong mahahalagang puntos ang iginiit ni Manalo sa kaniyang naging talumpati, una ay ang rule of law upang pangalagaan ang karapatan ng bawat bansa sa kani-kanilang nasasakupan sa ilalim ng United Nations Convention on the Law of the Sea o UNCLOS
Kinikilala rin ng Pilipinas ang space-based technologies sa iba’t ibang aspeto ng modernong lipunan, kabilang na rin aniya ang paglaban sa climate change, at disaster risk resilience
Ikalawa ay ang pagtatamo ng upper middle income para sa mga Pilipino upang matamo nito ang target na mapunta sa ika-16 na pinakamalaking ekonomiya sa buong mundo pagsapit ng taong 2040
Panghuli ang pagtataguyod ng multilateralism bilang sangkap sa pagkakaisa at pagkakaroon ng inclusivity na siya rin namang kailangan sa pagpapalakas ng isang bansa at pagbibigay kapangyarihan sa mga mamamayan nito. | ulat ni Jaymark Dagala