Pagtatatag ng anti-agricultural smuggling courts, itinutulak sa Kamara

Facebook
Twitter
LinkedIn

Isang party-list solon ang nagsusulong na magtatag ng anti-agricultural smuggling courts sa bansa.

Sa House Bill 8170 ni AGAP Party-list Representative Nicanor Briones, ipinunto nito na sa kabila ng kaliwa’t kanang pagkakasabat ng smuggled agricultural items at serye ng mga imbestigasyon hinggil sa hoarding, profiteering at smuggling ng agricultural products ay iilan lang ang kasong naisampa at nadinig sa mga korte.

Katunayan, batas sa datos ng Bureau of Customs na isinumite sa House Committee on Agriculture and Food, mula Mula 2018 hanggang January 2023, 20 kaso pa lang ng paglabag sa anti-agricultural smuggling law ang naihain ng Department of Justice (DOJ) habang mayroong 132 na nasa preliminary investigation.

Kaya nais ni Briones na magtatag ng isang special court na tututok para sa pagdinig ng mga kaso kaugnay sa anti-agricultural smuggling act kahalintulad na batas, imbes na ipahawak ito sa mga  regional trial courts na may ibang mga kaso ding dinidinig.

Batay sa panukala ang anti-agricultural smuggling law court ay bibigyan ng kapantay na kapangyarihan gaya ng Sandiganbayan at Court of Appeals.

Magkakaroon ito ng apat na dibisyon na mayroong tatlong Justices at nakatuon sa mga kaso ng smuggling, hoarding, profiteering at cartel ng agricultural products.

Itatayo naman ang naturang special courts sa NCR, Bulacan, Cebu, at Davao.  | ulat ni Kathleen Jean Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us