Pagtatayo ng pinakamalaking international cruise ship terminal sa Eastern Pacific, isinusulong ni Rep. Elizaldy Co

Facebook
Twitter
LinkedIn

Itinutulak ni House Committee on Appropriations Chair at Ako Bicol Party-list Representative Elizaldy Co na maisakatuparan sa loob ng Marcos Jr. Administration ang pagkakaroon ng pinakamalaking international cruise ship terminal sa Eastern Pacific.

Kasunod ito ng pagdaong ng Asian Cruise ng Hanseatic Nature sa Legazpi City na galing pa ng bansang Germany nitong April 30.

Ito ang kauna-unahang cruise ship na dumaong sa Legazpi matapos ang nagdaang pandemiya. Sakay nito ang halos 200 German tourist.

Ayon kay Co, nasimulan na ang pagtatayo ng modernong Legazpi Port ngunit nahinto dahil sa kakulangan ng budget.

Kaya’t idinulog na aniya ng mambabatas kay Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Manuel Bonoan, na mabigyang prayoridad ang naturang proyekto.

Naniniwala ang kinatawan na sa pamamagitan ng naturang port ay makakaakit ng mas maraming turista at maging pangunahing destinasyon ng turismo sa Pilipinas ang Legazpi City, na magreresulta naman aniya sa dagdag na trabaho para sa mga local, at pag-unlad ng local na ekonomiya. | ulat ni Kathleen Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us