Pagtitiyak ng US na tutulungan ang Pilipinas sa resupply mission sa West Philippine Sea, bahagi ng Mutual Defense Treaty — Sen. Tolentino

Facebook
Twitter
LinkedIn

Iginiit ni Senador Francis Tolentino na sakop ng Mutual Defense Treaty (MDT) ng Pilipinas at Estados Unidos ang pagtulong ng US sa Philippine Navy na maghatid ng supplies sa West Philippine Sea.

Ito ang reaksyon ni Tolentino sa naging pahayag ni US Pacific Fleet Commander Admiral Samuel Paparo, na handang asistehan ng US ang Philippine Navy sa mga paghahatid nito ng pagkain at iba pang supplies sa West Philippine Sea, partikular sa BRP Sierra Madre sa Ayungin Shoal.

Ayon sa senador na Vice Chairperson ng Senate Committee on Foreign Relations, ang naturang hakbang ay bahagi ng layunin ng MDT na palakasin ang kapayapaan.

Dagdag pa ng senador, sa ilalim ng 1988 Convention for the Suppression of Unlawful Acts against Maritime Navigation na niratipikahan ng US Senate noong 1995 at ng Philippine Senate noong 2003, nakasaad na anumang akto ng karahasan laban sa isang tao na nasa isang sasakyang pandagat ay labag sa international law.

Maaari aniyang tingnan ang naging pahayag ni Admiral Paparo sa konteksto ng freedom of navigation. | ulat ni Nimfa Asuncion

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us