Pagtitiyak sa kaligtasan ng publiko at pagpapalaganap ng kaalaman sa nuclear energy sources, ipinanawagan ni Sen. Bong Go

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nanawagan si Senador Christopher ‘Bong’ Go na balansehin ang benepisyong dulot ng nuclear energy sa bansa sa kalusugan at kaligtasan ng mga mamamayan.

Sinabi ito ng Senate Committee on Health Chairperson kasabay ng pagpapahayag ng suporta sa plano ng isang US based nuclear energy firm, na pag-aralan ang potensyal ng pamumuhunan dito sa ating bansa.

Pinuri rin ng senador ang matagumpay na state visit ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa Estados Unidos, kung saan isa sa mga bunga ang plano ng NuScale Power Corporation. 

Binigyang diin ni Go, na mahalagang magkaroon ng sapat na kaalaman ang publiko tungkol sa nuclear energy para mapawi ang anumang pangamba at misconceptions tungkol sa nuclear power source.

Sa kabilang banda, iginiit ng senador na malaki ang maitutulong ng pagkakaroon ng nuclear power source sa pagdadagdag na suplay ng kuryente sa Pilipinas.

 Makakatulong rin aniya ito sa paglago ng ekonomiya ng bansa at pagkakaroon ng mas maraming trabaho para sa mga Pilipino.

Idinagdag rin ni Go, na kapag naging mas mura at maaasahan ang suplay ng kuryente sa bansa ay posible pa itong makahikayat ng mas maraming mamumuhunan mula sa domestic at international industries. | ulat ni Nimfa Asuncion

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us