Paksang same-sex union, matagal nang nasa curriculum — DepEd

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nilinaw ng Department of Education (DepEd) na matagal nang nakapaloob sa curriculum ang paksang same-sex union.

Sa isang pahayag, sinabi ng DepEd na 2013 pa ay bahagi na ng curriculum at itinuturo sa mga estudyante ang usapin ng same-sex union para bigyan ng malawak na pang-unawa ang mga kabataan sa gender-based issues, at maisulong ang inclusivity at pagbibigay respeto sa LGBTQi community.

Tugon ito ng kagawaran sa pagkwestyon ni CIBAC Party-list Representative Eddie Villanueva sa draft curriculum ng DepEd para sa Kindergarten hanggang Grade 10, kung saan kasama ang paksang gender fluidity at same sex union.

Ayon naman sa DepEd, bukas itong ikonsidera ang lahat ng mga komento habang isinasapinal pa ang K-10 revised curriculum guide.

Bukod sa paksang same sex union, kasama rin sa nakapaloob sa draft curriculum ang pagtuturo tungkol sa red-tagging at extrajudicial kil­ling (EJK) sa mga Grade 10 student, pati na ang pag-aaral tungkol sa trolling, climate change, at ang arbitral ruling ng Pilipinas sa West Phi­lippine Sea. | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us