Pamahalaan, hinikayat ang GSIS members na tangkilikin ang bubuksang serbisyo ng tanggapan tuwing Sabado

Facebook
Twitter
LinkedIn

Hinihikayat ng Government Service Insurance System (GSIS) ang mga miyembro nito na tangkilikin ang kanilang serbisyo tuwing Sabado, simula ika-10 ng Hunyo.

Sa briefing ng Laging Handa, sinabi ni GSIS President Arnulfo Veloso, na simula sa susunod na buwan alas-9 ng umaga hanggang alas-3 ng hapon, bukas ang kanilang head office sa Pasay, at maging ang kanilang Quezon City branch sa Elliptical Road.

Magiging available aniya ang kanilang serbisyo, tuwing ikalawa at huling Sabado ng bawat buwan.

Para aniya ito sa kanilang mga miyembro na mayroong kailangang i-follow up sa GSIS, ngunit abala sa trabaho tuwing work week. | ulat ni Racquel Bayan

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us