Umaapela ang Office of Civil Defense (OCD) sa publiko, partikular mula sa mga lugar na madadaanan ng bagyong Mawar na makinig sa payo ng kanilang local officials.
Sa briefing ng Laging Handa, sinabi ni Joint Information Center Head Diego Mariano, na kung nakakakita na ng bitak o paglambot ng lupa sa kinatitirihan ng kanilang bahay mas mainam na agad nang lumikas.
Mayroon rin aniyang mobile application ang Department of Science and Technology (DOST), kung saan maaaring ilagay ng publiko ang kanilang lokasyon, at lalabas na kung anong hazard ang mayroon sa kanilang lugar upang angkop na mapaghandaan.
Ayon pa kay Mariano, sila sa OCD, hindi tumitigil sa mahigpit na koordinasyon sa iba’t ibang tanggapan ng gobyerno upang masiguro ang kaligtasan ng mga Pilipino sa pagdaan ng bagyo. | ulat ni Racquel Bayan