Binigyang diin ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na patuloy na isusulong ng Pilipinas ang kapayapaan, at hindi hahayaan ng pamahalaan na magamit ang bansa bilang stagIng post para sa anomang military action, sa gitna ng tensyon sa Indo-Pacific region.
Pahayag ito ng pangulo, kasunod ng pinakamalaking Baliktan exercises na idinaos sa Pilipinas at sa gitna na rin ng nais ng pangulo na mapaigting ang Mutual Defense Treaty (MDT) sa pagitan ng Pilipinas at Estados Unidos, upang makasabay ito sa pagbabago ng panahon.
Ayon sa Pangulo, lahat naman ng bansa ay isinasaalang-alang ang kapakanan ng kanilang mga mamamayan at ito mismo ang pinaka dahilan ng administrasyon kung bakit hindi nito hahayaang magamit ang bansa para sa anomang provocative action.
“Simple lang ang goal natin sa Pilipinas, we work for peace. We work for peace. We’ll not encourage any provocative action by any country that involves, provocative action that will involve the Philippines by any other country. We will not allow that to happen. We will not allow the Philippines to be used as a staging post for any kind of military action.
All we are worried about is the peace and the safety of our people, of here and abroad. And that’s the main consideration. So in my view, that’s the role.” Pangulong Marcos.
Kaugnay nito, kinilala rin ng pangulo ang mahalagang papel na ginangampanan ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) sa pagpapanatili ng kapayapaan, at pagpapahupa ng tensyon sa rehiyon. | ulat ni Racquel Bayan