Muling nanghikayat ng foreign investors si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., upang dumami ang mga mamumuhunan sa bansa.
Sa harap ng US-ASEAN Business Council, US Chamber of Commerce, at ilang American business executives, ibinida ng pangulo ang pagiging hinog ng bansa para sa pagpasok ng maraming investor.
“We aim to inform the world: the Philippines is ripe for investment.” —Pangulong Marcos.
Ang pamahalaan aniya, patuloy sa pagpapatupad ng mga hakbang na magpapabuti sa business climate ng bansa, upang mas lalo itong makahikayat ng mamumuhunan.
Binigyang diin rin ng pangulo na ang pamahalaan, nakikinig sa suhestyon ng mga negosyante, para sa patuloy na pagpapadali ng pagne-negosyo sa bansa.
“We will never, at any point, say we got it perfected. We will continue to listen to you and to all our other partners as to what else we can do to help the — to help transform our economy and in that way to be able to play a viable part in the security and defense issues that are the challenges of the day and of the region,” —Pangulong Marcos. | ulat ni Racquel Bayan
: PCO