Pangulong Marcos Jr., nagpaabot ng pagbati sa kaarawan ni VP Sara Duterte

Facebook
Twitter
LinkedIn

Umaasa si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na maging masaya ang ika-45 kaarawan ni Vice President Sara Duterte ngayong ika-31 ng Mayo.

Sa mensahe ng pangulo, binilinan niya ang bise presidente na maglaan ng oras para sa sarili.

Nagpasalamat rin si Pangulong Marcos Jr. sa hindi matatawarang serbisyo ni VP Sara para sa mga Pilipino.

Pagbibiro pa ng pangulo, huwag nang pansinin ng bise presidente ang mga indibidwal na itinuturing nitong tambaloslos o iyong mga indibiwal na puro lamang salita.

“Inday Sara, happy happy birthday. Magsaya ka muna diyan at magpahinga muna sandali sa imung trabaho. Bigyan mo muna ng kaunting oras ang iyong sarili at please huwag mo nang intindihin ang mga tambaloslos.” —Pangulong Marcos. | ulat ni Racquel Bayan

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us