Pangunahing suspek sa pananambang kay Lanao del Sur Gov. Mamintal Adiong, patay matapos manlaban

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nasawi sa pakikipaglaban sa pulis at militar ang pangunahing suspek sa pananambang kay Lanao del Sur Governor Mamintal Adiong kahapon. 

Ayon kay Philippine National Police (PNP) Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) Director Police Brigadier General Romeo, sisilbihan sana nila ng Warrant of Arrest ang suspek na si Oscar “Tamar” Capal Gandawali sa pinagtataguan nito sa Brgy. Pilimoknan, Maguing, Lanao Del Sur nang bigla nitong paputakan ang mga operatiba.

Sa nangyaring palitan ng putok, nanutralisa ang suspek, habang sugatan ang isang sundalo at ang Barangay chairman ng Pilimoknan na si Gamon Manonggiring.

Narekober ng mga tropa sa safehouse ng suspek ang mga baril, samut-saring bala at mga iligal na droga at shabu paraphernalia.

Una nang naaresto ng mga pulis ang tatlo sa mga suspek sa pananambang kay Adiong noong Marso, habang namatay naman sa hot pursuit operation ang isa pang suspek na si alyas Otin.

February 17 nang nasugatan sa pananambang si Adiong at ang isa niyang tauhan sa Kalilangan, Bukidnon habang patay naman ang apat nitong kasama, kabilang ang tatlong pulis.  | ulat ni Leo Sarne

?: CIDG

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us