Dinala ng Office of the Vice President (OVP) ang supplemental nutrition intervention nito na “PanSarap” program sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM).
Pinangunahan ng OVP at Ministry of Basic, Higher and Technical Education ang pamamahagi ng nutritional buns sa mga mag-aaral na undernourished sa Upi, Maguindanao.
Umaabot sa 1,064 Kindergarten to Grade 6 learners na kulang sa nutrisyon ang makikinabang sa programa, na mabibigyan ng nutritional buns sa loob ng 30 araw.
Sila ay mula sa Nuro Central Elementary School sa bayan ng Upi.
Mayroong 10 flavors ang PanSarap bread na lahat ay Halal certified, at nilikha ng Food and Nutrition Research Institute ng Department of Science and Technology (DOST).
Unang inilunsad ang PanSarap program sa Davao City noong nakaraang buwan, at planong ipakilala sa iba’t ibang bahagi ng bansa na may mataas na kaso ng malnutrisyon sa mga kabataan. | ulat ni Hajji Kaamiño