Panukalang E-VAWC, umusad na sa Mababang Kapulungan

Facebook
Twitter
LinkedIn

Sa pamamagitan ng viva voce voting ay pinagtibay ng Kamara sa ikalawang pagbasa ang House Bill 8009 o Expanded Anti-Violence Against Women and their Children (E-VAWC) Act.

Sa ilalim nito, maituturing na ring pang-aabuso sa kababaihan at mga bata ang porma ng karahasan gamit ang teknolohiya tulad ng stalking, pangha-harass sa text messages at chat, at pagkuha at pagpapakalat ng video o paggawa ng pekeng social media account para siraan ang asawa o ka-partner.

Oras na maging ganap na batas, nasa P300,000 hanggang P500,000 ang maaaring ipataw na multa para sa E-VAWC bukod pa sa pagkakakulong.

Inaatasan din sa panukala ang mga internet service provider, na agad i-take down o burahin ang naturang electronic violence, at kung hindi makikipagtulungan sa otoridad ay ituturing na obstruction of justice.

Sa ilalim ng kasalukuyang Republic Act 9262 o Anti-Violence Against Women and Their Children ay hindi pa kasama ang electronic violence.

Isang kahalintulad na panukala na ang pinagtibay noong nakaraang Kongreso, ngunit hindi umusad sa Senado. | ulat ni Kathleen Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us