Aprubado na ng House Committee on Health ang panukalang ideklara ang March 15 bilang “National Frontliner’s Day”.
Ayon kay Marikina Representative Stella Luz Quimbo, na may akda ng House bill 2248, paraan ito upang pasalamatan ang frontliners na nagsilbing mga bayani noong pandemic.
Ang March 15 ay ang petsa kung kalian nagsimula ang COVID-19 lockdown sa Pilipinas.
Aniya, sila ang naging first line of defense, nagtrabaho 24/7, nagsakripisyo at naglingkod sa sambayanang Pilipino.
Suportado naman ng Department of Health (DOH) ang panukalang batas na naglalayong kilalanin at parangalan ang health workers.
Ayon sa resource person mula sa DOH, mahigit na P150,000 healthcare workers ang nagkasakit ng COVID- 19 habang mahigit 400 dito ang binawian ng buhay.
Panawagan ni Rep. Quimbo sa mga kapwa mambabatas, ipaglaban ang hakbang na paghusayin ang working condition at adequate compensation ng healthcare workers na hanggang sa ngayon ay nagsasakripisyo sa taumbayan.
Iko-consolidate ng House Panel ang HB 6335 ni Agri Party-list Wilbert Lee na may parehas na mithiin, na ideklara ang March 22 bilang special non-working holiday para kilalanin ang kabayanihan ng mga Pilipino health care workers sa buong mundo. | ulat ni Melany Valdoz- Reyes