Panukalang ipagdiwang ang PH-Israel Friendship Day tuwing August 9, aprubado na sa Kamara

Facebook
Twitter
LinkedIn

Aprubado na sa ikatlo at huling pagbasa ang House Bill 7763.

Ito’y matapos bumoto ang 256 pabor sa panukala para ideklara ang August 9 ng kada taon bilang Philippines-Israel Friendship Day.

August 9, 1957 nang mabuo ang diplomatic relation sa pagitan ng Pilipinas at Israel.

Agosto rin taong 1937 nang lagdaan ni dating Pangulong Manuel Quezon ang Proclamation 173 o open-door immigration policy na humihimok sa lahat ng sangay ng gobyerno at lahat ng Pilipino na magpaabot ng tulong sa Jewish refugees.

Tumutol naman sa panukala sina Lanao del Sur 1st district Rep. Zia Alonto Adiong at 2nd district Rep. Yasser Alonto Balindong.

Ito ay dahil na rin sa panggigipit ng Israel sa bansang Palestine.

Dagdag pa ni Adiong na kung mayroong ganitong friendship day sa pagitan ng Pilipinas at Israel ay maaaring magkaroon din ang Pilipinas at Palestine na una na aniyang kinilala ng Duterte administration. | ulat ni Kathleen Jean Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us