Nagpahayag ng suporta ang Armed Forces of the Philippines sa panukalang isama ang mga air-gun at mga replica o mukhang baril sa firearms ban para sa Baranggay at Sanguniang Kabataan Elections (BSKE).
Sinabi ni AFP Spokesperson Col. Medel Aguilar, ang panukalang ito ay kasalukuyang kinokonsidera ng Committee on the Ban of Firearms and Security Concerns ng Commission on Elections sa pangunguna ni Commissioner Aimee Ferolino.
Paliwanag ni Aguilar, ang pagbabawal sa anumang bagay na mukhang baril ay alinsunod sa spirito ng gun ban dahil maaring mapagkamalang totoong baril ang mga ito at makapagdulot ng takot sa mga mamamayan.
Sa panig aniya ng mga sundalo, ang mga kagamitang mukhang baril ay awtomatikong kinokonsidera nilang banta, at agarang kikilos ang mga sundalo para i-nutralisa ang banta. | ulat ni Leo Sarne