Panukalang magdedeklara sa February 1 bilang National Hijab Day, lusot na sa Senado

Facebook
Twitter
LinkedIn

Inaprubahan na sa plenaryo ng Mataas na Kapulungan ng Kongreso ang Senate Bill 1410 o ang panukalang ideklara ang unang araw ng Pebrero bilang “National Hijab Day.”

Sa botong 21 na senador ang pabor at walang tumutol, aprubado na sa ikatlo at huling pagbasa ang naturang panukala.

Layon ng naturang panukala na magkaroon ng malawakang kampanya tungkol sa tunay na kahulugan ng hijab, na ito ay hindi lang basta isang piraso ng tela na nakatakip sa buhok ng isang babae kundi simbolo rin ng respeto sa mga kababaihan.

Sa pamamagitan din nito ay inaasaahang maaalis na ang diskriminasyon na pinagdadaanan ng mga babaeng Muslim.

Nilinaw naman ni Senate Committee on Cultural Commuties Chairperson Senador Robin Padilla sa panukalang batas na hindi pinupwersa ang pagsuot o hindi pagsuot ng hijab. | ulat ni Nimfa Mae Asuncion

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us