Panukalang pagtatatag ng specialty hospitals sa lahat ng rehiyon sa Pilipinas, aprubado na sa Senado

Facebook
Twitter
LinkedIn

Lusot na sa Mataas na Kapulungan ng Senado ang panukalang batas tungkol sa pagtatatag ng mga specialty hospitals sa bawat rehiyon sa Pilipinas o ang Senate Billl 2212.

Unanimous ang naging boto pabor sa naturang panukala kung saan lahat ng 24 na mga senador ang pumabor dito.

Matatandaang ang panukalang ito ay bahagi ng mga priority bills ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.

Sa ilalim ng panukala, imamandato ang Department of Health (DOH) na magtayo ng mga specialty centers sa mga DOH hospitals sa bawat rehiyon ng Pilipinas.

Ayon kay Senate Committee on Health Chairman Senador Christopher ‘Bong’ Go, nakasaad sa panukala na sa loob ng limang taon ay dapat makapagtatag na ang DOH ng kahit isang specialty center sa bawat rehiyon at partikular aniyang dapat tutukan ang pagkakaroon ng mga heart, lung at kidney centers.

Dapat aniyang ang mga center na ito ay may katulad na kakayahan ng national specialty centers sa Metro Manila.

Pinatitiyak rin sa DOH na magkakaroon ng sapat na eksperto at medical specialists ang mga DOH hospital at mga specialist equipment.

Binigyang diin ni Go na kailangang maipaabot sa mga kababayan natin sa mga probinsya at kanayunan ang mga specialized medical services na ito para hindi nila kailanganing bumiyahe pa ng napakalayo para lang makapagpagamot.

Umaasa si Go na mapopondohan agad ang mga specialty hospitals na ito oras na maging ganap na batas para masiguro ang maayos na pagpapatupad ng panukala. | ulat ni Nimfa Mae Asuncion

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us