Panukalang tukuyin bilang “crime of economic sabotage” ang illegal recruitment, inihain sa Kamara

Facebook
Twitter
LinkedIn

Upang pangalagaan ang overseas Filipino workers (OFWs) laban sa pang-aabuso, naghain si Davao City Representative Paolo Duterte ng panukalang batas upang i-define ang illegal recruitment sa ilalim ng Labor Code of the Philippines.

Sa House Bill 8360, nais ni Rep. Duterte na tukuyin, ang illegal recruitment bilang “crime of economic sabotage” kaakibat ang mas mahigpit at mas mabigat na parusa.

Paliwanag ng mambabatas, hanggang sa ngayon kasi nananatiling isyu sa Department of Migrant Workers ang talamak na illegal recruitment sa mga Pilipino.

Aniya, kung mabibigyan ng mas malawak na kahulugan ang “labor” sa ilalim ng 1987 Constitution, mapoprotektahan hindi lamang ang mga manggagawang Pinoy sa bansa bagkus maging ang mga nasa ibayong dagat.

Layon din ng batas na palakasin ang Article 38 of Presidential Decree No. 442 o mas kilala bilang “Labor Code of the Philippines.

Ang naturang house bill ay iniakda nila Duterte at Benguet Rep. Eric Yap. | ulat ni Melany Valdoz-Reyes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us