Pinkokonsidera ni Ang Probinsyano Party-list Rep. Alfred delos Santos na limitahan ang bilang ng SIM card na maaaring irehistro ng isang indibidwal.
Ayon sa mambabatas, posibleng ang isang indibidwal na magrerehistro ng multiple SIM card ay mga spammer o scammer.
Maliban dito, hinimok din ng kinatawan ang mga telco na alisin na sa kanilang database ang mga numero na inactive o hindi na gumagana.
Sa paraang ito mas madali aniya nilang mamo-monitor kung ilan na ba talaga ang bilang ng SIM number na ipinamigay para sa mas maayos na SIM registration.
Kung matatandaan, pinalawig pa ng DICT ang pagpaparehistro ng SIM card ng 60 days o hanggang sa Hunyo mula sa orihinal na deadline na April 26. | ulat ni Kathleen Jean Forbes
?: Rep. Alfred delos Santos fb page