Itinutulak ni CIBAC Party-list Rep. Eddie Villanueva na mabigyan ng financial assistance ang mga biyudo o biyuda.
Sa ilalim ng panukalang “Widower and Widow Financial Assistance Act”, bibigyan ng ayuda ang indigent widow/widower na katumbas ng minimum wage rate sa kaniyang lugar sa loob ng tatlong buwan.
Kailangan lamang ipresenta ang residential at indigent certificate mula sa barangay o LGU, marriage certificate at death certificate ng namayapang asawa.
Maliban sa tulong pinansyal ay isasailalim din sila sa counseling.
Ang mga balo naman na nakatatanggap na ng kaparehong tulong mula sa gobyerno ay hindi na sakop ng panukala.
Ang DSWD katuwang ang DILG ang bubuo ng panuntunan ng programa sakaling maisabatas.
Umaasa si Villanueva na sa pamamagitan ng panukala ay matulungan ang naiwang asawa na harapin ang pagkawala ng mahal sa buhay at makapagsimula ng hanapbuhay lalo na kung ang namatay na asawa ang breadwinner sa pamilya.
“Death is an inherent certainty of life and the loss of a loved one, particularly a spouse, surely brings pain, anxiety, or sometimes ‘brain freeze’ in which the mind is deeply entangled in grief and unable to process things normally. Much more if the dead spouse is the sole breadwinner of the family, the financial loss due to the departure of the income earner aggravates the degree of grief and pain of the surviving spouse…This aid will greatly help them and their families, especially the indigents, emerge victorious after an experience of a devastating loss,” saad ni Villanueva. | ulat ni Kathleen Jean Forbes