Pinuna ni AnaKalusugan party-list Rep. Ray Reyes ang paniningil ng National Grid Corporation of the Philippines o NGCP sa kanilang customer para mga proyekto na hindi pa tapos o kaya naman ay delayed.
Ayon sa mambabatas, hindi makatarungan na kumikita ang NGCP ngunit ang consumer naman ang pumapasan sa delayed nilang mga proyekto.
Katunayan dapat pa aniya itong ituring bilang isang krimen.
Sa pagdinig ng Senate Committee on Energy ay inamin mismo ni NGCP Assistant Vice President Cynthia Alabanza na sinisingil na nila ang mga customer kahit hind pa tapos ang proyekto.
Dahil naman dito, pinakikilos din ni Reyes ang Energy Regulatory Commission o ERC na patawan ng sanction ang NGCP sa kabagalan ng pagpapatupad ng kanilang mga proyekto.
Batay sa record ng ERC mayroong 72 delayed projects ang NGCP kung saan anim dito ay national projects.
“There is no sense of urgency because we don’t hold NGCP accountable for its inaction. As our country’s energy regulatory body, the ERC should make sure that the consumers are not disadvantaged. Paulit-ulit na itong mga problema sa NGCP at kailangan natin silang panagutin sa mga aberyang nararanasan natin,” saad ni Reyes. | ulat ni Kathleen Jean Forbes