Parusa sa NGCP kung bigong maipatupad ang mga proyekto, tinaasan ng DOE sa ilalim ng isinusulong na bagong EPIRA

Facebook
Twitter
LinkedIn

Ipinapanukala ng Department of Energy (DOE) na taasan ang parusa laban sa National Grid Corporation of the Philippines (NGCP), salig sa bersyon ng bagong Electric Power Industry Reform Act (EPIRA) law na isinusulong ng kagawaran.

Sa pagharap ng DOE sa House Committee on Energy, natanong ni Camarines Sur 4th District Representative Arnie Fuentebella, Chair ng Komite, kung sakaling hindi maipatupad ng NGCP ang pagtatayo ng transmission lines sa itinakdang oras ay anong parusa ang ipapataw dito sa ilalim ng bagong EPIRA.

Tugon ni Energy Usec. Sharon Garin, mula sa kasalukuyang P50 million na fine cap na maaaring ipataw ng Energy Regulatory Commission ay itinaas nila ito sa P300 million hanggang P500 million.

Maliban pa ito sa parusang pagkakakulong.

Aminado si Garin na isa sa problema ng NGCP ay ang patatayo ng imprastraktura para makonekta ang transmission lines ng Luzon, Visayas at Mindanao.

Halimbawa aniya nito ang pagkumpleto sa San Jose-Angat, Mindanao-Cebu, at Negros-Panay Connection project, na mula December 2022 ay naurong nang naurong ng Enero, Marso, Hunyo at ngayon ay Agosto.

Suportado rin ng DOE ang pagrepaso at amyenda sa prangkisa ng NGCP.

Ani Garin, ang concession agreement kasi aniya ay pabor na pabor sa franchisee kahit kulang sa “performance” at mayroon ding mga “delayed” na proyekto ang ahensya. | ulat ni Kathleen Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us