Parusang kamatayan sa mga halal na opisyal at alagad ng batas na masasangkot sa ilegal na droga, ipinapanukala sa Senado

Facebook
Twitter
LinkedIn

Naghain si Senador Robin Padilla ng isang panukalang batas na layong patawan ng parusang kamatayan ang mga halal na opisyal at mga alagad ng batas na masasangkot sa ilegal na droga.

Sa paghahain ng Senate Bill 2217, ipinahayag ni Padilla masyadong maluwang ang kasalukuyang batas kaya wala nang takot ang mga alagad ng batas na makinabang sa iligal na droga.

Kaya naman kailangan aniya ng mas mahigpit na tugon mula sa pamahalaan.

Hangad amyendahan ng panukala ang Sections 27 at 28 ng Republic Act 9165, ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2022, kung saan parusang kamatayan ang naghihintay sa opisyal o miyembro ng Armed Forces of the Philippines, Philippine National Police, at iba pang uniformed o law enforcement agency.

Kamatayan din ang ipinapanukala sa halal na opisyal na nakinabang sa drug trafficking o nakatanggap ng kontribusyon o donasyon sa mga nahatulan sa drug trafficking bukod sa pagtanggal sa pwesto.

Gayunpaman, nakasaad rin sa panukalang batas ni Sen. Robin, na hindi papatawan ng parusang kamatayan ang nagkasala kung ito ay babaeng buntis o sa may edad 70 pataas. | ulat ni Nimfa Asuncion

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us