Pasig LGU, ibinida ang pinakamaraming bilang ng Boy Scout members sa buong bansa

Facebook
Twitter
LinkedIn

Ibinida ni Pasig City Mayor Vico Sotto ang magandang programa ng lokal na pamahalaan para sa mga lumalahok sa Boy Scouts of the Philippines.

Ayon kay Sotto, ang kanilang lungsod ang may pinakamaraming miyembro ng BSP sa buong bansa.

Paliwanag nito, sa mga pampublikong paaralan ay awtomatiko ang membership ng mga mag-aaral at sagot ng LGU ang membership fee.

Naisakatuparan aniya ang pinakamalaking bilang sa tulong ng liderato ng BSP at ng mga opisyal ng Schools Division Office ng Pasig.

Dagdag pa ng alkalde, magandang paraan ang pagiging miyembro ng Boy Scout upang malinang ang karakter ng isang indibidwal at “life skills” na itinuturo sa mga kabataan. | ulat ni Hajji Kaamiño

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us