Pasok sa mga paaralan sa buong Cagayan, suspendido bukas

Facebook
Twitter
LinkedIn

Walang pasok bukas, Lunes, May 29, 2023 sa mga pampubliko at pribadong paaralan sa lahat ng antas sa lalawigan ng Cagayan.

Nakapaloob ito sa inilabas na Executive Order No. 02 na nilagdaan ni Acting Governor Melvin Vargas Jr. dahil sa bagyong #BettyPH.

Binibigyang diin na tanging sa mga paaralan lamang ang kanselado ang pasok dahil nakasaad sa Section 2 ng EO na lifted o binabawi na ang work suspension sa mga tanggapan ng gobyerno at mga pribadong tanggapan. Inisyu ni Vice Gov Vargas ang EO kahapon, May 27. | ulat ni Vivian de Guzman | RP1 Tuguegarao

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us