Passenger vessel na nagka-aberya sa karagatan ng Siargao, tinanggalan ng Cargo Ship Safety Certificate ng MARINA

Facebook
Twitter
LinkedIn

Kinansela ng Maritime Industry Authority (MARINA) ang Cargo Ship Safety Certificate ng isang passenger ship matapos magka-aberya at sumadsad sa Dapa, Siargao Island kahapon ng umaga.

Batay sa ulat ng Philippine Ports Authority, nangyari ang aksidente dulot ng malakas na hangin kasabay ng pagkasira ng makina na dahilan ng pagsadsad nito.

Nasa 38 pasahero ng MV Reina Xaviera ang na-rescue sa tulong ng Dapa LGU, Philippine Coast Guard, Bureau of Fire Protection at Philippine National Police.

Ayon sa Montenegro Operation Personnel, hahatakin ngayong umaga ang sumadsad na passenger vessel sa nabanggit na isla.

Bago nangyari ang insidente, naglabas ng safety advisory ang MARINA sa mga ship owner, boat owners, at concerned entities na humihikayat na sumunod sa MARINA Advisory na inisyu noong Disyembre 20, 2019.

Ginawa ito ng MARINA dahil sa paparating na bagyong #BettyPH.

Nakasaad sa advisory ang mahigpit na pagsunod sa Code of Safety Storwage and Securing in Domestic Shipping. | ulat ni Rey Ferrer

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us