PBBM, binigyang-diin ang pagprotekta sa sovereign rights ng mga bansa sa ASEAN sa gitna ng nagpapatuloy pa ring tensyon sa Ukraine

Facebook
Twitter
LinkedIn

Iginiit ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang halaga ng magkakabalikat na hakbang ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) countries sa pagtiyak na magpapatuloy ang karapatan sa soberenya ng mga ito upang maprotektahan ang kani-kanilang borders.

Ang pahayag ay ginawa ng Pangulo sa gitna ng nagpapatuloy pa ring giyera sa pagitan ng Ukraine at Russia na ayon sa Presidente ay hindi inaasahang magdudulot ng pagbabago sa buhay ng mga Pilipino.

Ang pagprotekta sa soberenya ng bawat bansa ay siya rin namang posisyon na pinaniniwalaan niya, ayon sa Pangulo, na siya ring tindig ng lahat ng ASEAN countries.

Ang kasalukuyang sitwasyon sa dalawang bansa, sabi ng Pangulo, ay huwag na sanang magpatuloy pa lalo’t batid na aniya ang naidulot na epekto nito.

Nagkaroon aniya ng pagkakamali sa pagtaya kung pag-uusapan ay mga bumangong epekto ng digmaan na naramdaman ng lahat kasama na ng mga ordinaryong mamamayan ng Pilipinas. | ulat ni Alvin Baltazar

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us