Pinakokonsidera ni Cagayan de Oro Representative Rufus Rodriguez kay Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na pauuwiin muna ang ating ambassador sa China.
Ito aniya ay bilang protesta sa aniya’y panibagong ‘David vs. Goliath’ na insidente sa pagitan ng Chinese Coast Guard at ating Philippine Coast Guard sa Ayungin Shoal.
Para kay Rodriguez, maliban sa paghahain ng diplomatic protest, dapat ay i-recall muna ng gobyerno si Philippine Ambassador to Beijing Jaime Flor Cruz, hanggang sa makatanggap ng tugon at paumanhin ang bansa mula China dahil sa insidente.
“Aside from the usual filing of a diplomatic note, we should order our principal representative in China to return home. He should not go back to Beijing until we receive a response from the Chinese government apologizing for their harassment and bullying tactics in the West Philippine Sea and committing to rectify their misconduct,” diin ni Rodriguez.
Dagdag pa ng mambabatas, noongl lamang 2022, 193 protest notes ang ipinadala ng Pilipinas sa China, 65 dito ay sa ilalim na ng Marcos Jr. administration.
Ngunit binabalewala lamang aniya ito ng China na patuloy sa panggigipit sa ating Coast Guard at mga mangingisda.
“All these protestations fell on deaf ears. That is why they continue to harass and bully our Coast Guard patrols and our fishermen, from the northern part of our country in Pangasinan and Zambales to the south in Palawan,” he added. | ulat ni Kathleen Jean Forbes