PBBM, inatasan ang DILG na ibaba sa LGUs ang kampanya ng pamahalaan para mabawasan ang epekto ng El Niño

Facebook
Twitter
LinkedIn

Pinatitiyak ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. kay Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Benjamin Abalos na maibababa sa mga local government ang kampanya ng pamahalaan na may kinalaman sa El Niño mitigation.

Sa gitna na rin ito ng inaasahang matagal na mararanasang tagtuyot ng bansa na ayon sa Pangulo ay baka umabot pa ng 1st quarter ng 2024.

Kabilang sabi ng Pangulo sa El Niño mitigation ang pagtitipid sa paggamit ng tubig na malaking tulong para makasiguro sa suplay ng tubig.

Sa tindi, aniya, ng init na nararanasan na sinasabayan ng bihirang mga pag-ulan ay lubhang malaki ang epekto nito hindi lang sa mga dam kundi pati na sa irigasyon at hydro electric power.

Dagdag ng Pangulo, dapat na ring magtipid sa kuryente bilang bahagi ng energy conservation sa gitna ng mga epektong kakaharapin dahil sa El Niño. | ulat ni Alvin Baltazar

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us