Binigyang pugay ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang mga manggagawa na nasa pangangalagang pangkalusugan kasunod ng naging pagdiriwang ng National Health Worker’s day.
Dapat kilalanin ayon sa Punong Ehekutibo ang health care workers na aniya’y walang sawa sa ginagawang paglilingkod ng mga ito sa mga nangangailangan.
Higit aniyang napatunayan ang pagseserbisyo ng nasa medical field nating mga kababayan noong kainitan ng COVID-19.
Binigyang diin ng Chief Executive na labis niyang ipinagmamalaki ang Pinoy health care workers at kanyang tinitiyak na gagawin ng pamahalaan ang lahat para sila ay suportahan.
Ang pagdiriwang ng National Health Worker’s day ay ginagawa tuwing ika- pito ng Mayo sa bisa na din ng Republic Act 10069 na naisabatas sa panahon ni dating Pangulong Gloria Macapagal- Arroyo. | ulat ni Alvin Baltazar
: PCO