Positibo si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na maraming oportunidad pa ang maaaring matukoy ng Pilipinas at Canada bilang potential areas tungo sa mas malakas pang strategic partnership ng dalawang bansa.
Ang pahayag ay ginawa ng Pangulo sa ginawang courtesy call sa kanyang ni
Canadian Foreign Minister Mèlanie Joly sa Malacañang.
Ayon sa Punong Ehekutibo, wala siyang nakikitang hadlang upang hindi makamit ang minimithing strategic partnership sa harap na din ng hinihinging suporta ng Canada sa Pilipinas kaugnay ng isinusulong nitong free trade negotiations sa Association of Southeast Asian Nations (ASEAN).
Sa kanyang panig naman ay inihayag ng Foreign Minister ng Canada na magdudulot ng mas matibay pang diplomatic knowledge and strength sa dalawang bansa kung maaabot ang partnership hindi lamang sa Pilipinas kundi sa buong ASEAN.
Dagdag ng Canadian Foreign Minister na silang mas paigtigin pa ang people-to-people ties sa pamamagitan na din ng mas marami pang alok na scholarship para sa mga Pilipino. | ulat ni Alvin Baltazar