Kapuri-puri ani House Speaker Martin Romualdez ang pagsusumikap ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na tuparin ang campaign promise niya na maibaba ng presyo ng kuryente sa bansa.
Bahagi aniya nito ang naging pulong ni PBBM kasama ang top nuclear energy firm sa US na NuScale Power Corporation.
Ayon kay Romualdez, una nang nakaharap ng punong ehekutibo ang naturang kumpanya nang dumalo ito sa United Nations General Assembly noong nakaraang taon.
At sa ikalawang paghaharap nila, ay nagkaroon na nga ng pag-usad.
Pinaplano na kasi aniya ng NuScale na magsagawa ng pag-aaral kung saan pinakamainam na magtayo ng small modular reactor sa Pilipinas.
Inaasahan na magpapasok ng $6.5 billion hanggang $7.5 billion na investment ang NuScale para makapagbigay ng 430MW sa Pilipinas pagsapit ng 2031.
“This positive development proves the unrelenting commitment of President Marcos to fulfill his promise to the Filipino people of ensuring the availability of cheap and reliable energy. Adequate and cheaper energy source of power is crucial to sustaining our robust economic growth. But the President is very much aware that building additional energy generation capacity takes years to accomplish and it is prudent that we should continuously explore alternatives—including the use of nuclear power—to achieve this goal,” saad ni Romualdez.
Pagtitiyak naman ng House leader na patuloy nilang isusulong sa Kamara ang mga panukalang batas para sa paggamit ng alternative power sources bilang suporta sa hakbang na ito ng pangulo.
Ilan sa mga panukalang ito ang pagtatatag ng Philippine Atomic Regulatory Commission, paggamit ng solar at wind energy at Waste-to-Energy Bill
“On our end at the House of Representatives, we are working hard to pass measures that would provide the necessary legal framework and policies to encourage the development of alternative power sources in support of the President’s vision for our nation’s energy security,” pagtatapos ng mambabatas. | ulat ni Kathleen Jean Forbes