Agad na tumulong ang Philippine Coast Guard sa paglalatag ng oil spill booms at absorbent pads matapos lumubog ang MV HONG HAI 189 sa karagatang sakop ng Barangay Sisiman, Mariveles, Bataan.
Ang paglalagay ng oil spill boom at absorbent pad ay para mapigilan ang posibleng pagkalat ng langis.
Dinala ang naturang sasakyang pandagat matapos ang aksidenteng banggaan ng MV HONG HAI 189 at MT PETITE SOEUR na naging sanhi ng pagtaob malapit sa Corregidor Island noong ika-28 ng Abril 2023.
Ayon sa PCG Station Bataan at Marine Environmental Protection Unit, umabot sa 30 hanggang 50 litro ng langis ang tumapon 400 yarda mula sa Sisiman Lighthouse.
Naagapan ang naturang insidente, base na rin sa negatibong resulta ng oil spill assessment na isinagawa matapos ang oil spill response operation. | ulat ni Michael Rogas
?:PCG