PCGG Chairman, kinasuhan ng katiwalian sa Ombudsman

Facebook
Twitter
LinkedIn

Sinampahan ng kasong katiwalian sa Office of the Ombudsman si Presidential Commission on Good Government (PCGG) Chairman John Agbayani.

Mismong ang dating accounting head ng UCPB CIIF Finance and Development Corporation Coco finance at UCPB CIIF Foundation Inc. na nasa ilalim ng supervision ng PCGG ang naghain ng reklamo laban kay Agbayani.

Umuupong observer si Agbayani sa Coco finance at UCPB CIIF Foundation Inc.

Batay sa reklamo, inakusahan ni Lucy Lapinig na nagkaroon ng kumpadre system sa PCGG sa ilalim ng pamumuno ni Agbayani.

Aniya, mga hindi kwalipikado at labis- labis ang sweldo ng ilang katao na itinalaga ni Agbayani sa mga mahahalagang puwesto.

Reklamo pa nito na noong Marso 29, 2022 kung kailan umiiral ang election ban, itinalaga ni Agbayani si Mark Abelon sa PCGG kahit walang pormal na letter of intent mula sa Office of the President.

Noong Hunyo 6 at Enero 11, 2023, itinalaga naman niya si Stephen Tanchuling at Sherwin Jao bilang mga director at trustee ng PCGG. | ulat ni Rey Ferrer

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us