PCSO, kumpiyansa na maaabot at malalagpasan ang target sales ngayong taon

Facebook
Twitter
LinkedIn

Kumpiyansa ang Philippine Charity Sweepstakes Office na maaabot nito ang kanilnag target na revenue collection nito ngayong taong 2023 upang makapagbigay ng mas maraming tulong medikal at pinansyal sa mga nangangailangang kababayan.

Ayon kay PCSO Chairperson Junie Cua, in-adjust na nila ang kanilang target ngayong 2023 na nasa 53.23 bilyong piso.

Ani Cua, nasa 46.1 billion pesos ang inisyal na target revenue ng PCSO at balak na malagpasan pa ito.

Dagdag pa ni Cua, ginagawa nila ang lahat ng kanilang makakaya upang mas makapagpalaganap pa ng maraming pondo para mas makatulong sa mga Pilipino at makapaghatid ng karagdagang pondo sa national government. | ulat ni Arrian Jeff Ignacio

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us