Sa layuning makatulong sa indigent Filipinos saan mang panig ng bansa, nakapaghatid na ang Philippine Charity Sweepstakes Office o PCSO ng nasa P400-million na tulong pinansyal para sa mga kababayan nating kinakailangan ng atensyong medikal sa ilalim ng Medical Assistance Program ng PCSO sa unang tatlong buwan ng 2023.
Ayon kay PCSO Chairman Junie Cua na sa naturang halaga ng tulong ay umabot na sa mahigit 60,000 na benepisyaryo ang nabiyayaan ng naturang financial assistance sa ilalim ng Medical Assistance Fund.
Dagdag pa ni Cua, asahan pa ng publiko na magpaptuloy ang pagbibigay ng tulong ng PCSO sa mga kababayan nating kinakailangan ng tulong pinansyal sa kani-kanilang atensyong medikal.
Muli namang sinabi ni Cua sa publiko na mag-iisip pa ang PCSO ng iba pang mapagkakakitaan upang mas makatulong sa nakakrarami at makapagbigay ng karagdagang pondo sa national government. | ulat ni AJ Ignacio