PDRRMO Cagayan pinag-iingat ang mga local DRRMCs laban sa mga scammer na nagpapanggap na magbibigay ng ayuda

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nababala ngayon si Provincial Disaster Risk Reduction Management Office (PDRRMO) head Rueli Rapsing sa mga LGU o Local DRRMCs sa lalawigan na huwag agad nagpapaniwala sa natatanggap na tawag na magbibigay ng ayuda.

Ayon kay Rapsing, may natanggap silang mensahe mula sa nagpakilalang taga-Department of the Interior and Local Government (DILG) na magbibigay umano ng relief goods sa probinsya.

Nagtaka na ang mga ito ng nagpapadala ng pera sa kanilang GCASH ang nagpakilalang taga-DILG para sa pagpapagawa umano ng nasirang sasakyan na gagamitin sa pagde-deliver ng naturang ayuda.

Agad nakipag-ugnayan ang hepe ng PDRRMO sa DILG, para iberipika kung totoong may ipapadalang relief goods ang mga ito, at natuklasang isa itong scam dahil walang ganitong programa ang DILG, imbes ang DSWD ang nagbababa ng relief goods.

Natuklasang hindi rin pala ang probinsya ang nakatanggap ng ganoong mensahe, kung hindi maging ang ilang LGU sa probinsya.

Kaya naman ang panawagan ni Rapsing, mag-ingat sa scammer na kinukuha ang mga sitwasyong tulad ng kalamidad para makapambiktima.

Kasalukuyan na ang isinasagawang imbestigasyon at tracing ng DILG kung sino ang nasa likod ng naturang modus. | via Dina Villacampa | RP1 Tuguegarao

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us