Nagsanay sa Defensive Counter Air Tactics ang Philippine Air Force (PAF) at United States Air Force (USAF) bilang bahagi ng COPE Thunder Exercise 1-23.
Dito’y nagpakitang gilas ang mga airmen ng dalawang pwersa sa air combat scenario sa Clark Air Base at Basa Air Base sa Pampanga.
Layunin ng Defensive Counter Air training na mapahusay ang interoperability ng mga pwersa ng dalawang bansa sa pangangalaga sa mga kritikal na assets ng Pilipinas.
Bahagi din ng pagsasanay ang Subject Matter Expert Exchange sa pagitan ng mga espesyalista ng dalawang bansa.
Layon naman nito na mapalawak ang kaalaman ng mga Mission Planner, Communications Operator at Maintenance Officer, na sumusuporta sa operasyon, tungo sa ikatatagumpay ng misyon.
Kabilang sa mga paksang tinalakay ang AIM-9 Missile Launcher maintenance, Mission Planning Cell operations, Communication Security organization, at Dedicated Crew Chief program.
Ang COPE Thunder Exercise na nagsimula noong Mayo 1 ay tatagal hanggang Mayo 12. | ulat ni Leo Sarne
?: PAF