Phil. Navy Chief, nagpasalamat sa suporta ng Republic of Korea sa modernization program

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nagpasalamat si Philippine Navy Flag Officer in Command Vice Admiral Toribio Adaci Jr. sa Republic of Korea (ROK) sa kanilang suporta sa modernization program ng Philippine Navy.

Ito’y sa courtesy call ni ROK Navy Chief of Naval Operations Admiral Lee Jong-Ho at ng kanyang delegasyon kay VAdm. Adaci sa Philippine Navy Headquarters kahapon.

Dito’y pinag-usapan ng dalawang opisyal ang patuloy na “partnership” ng dalawang bansa, kasunod ng ilang matagumpay na “engagement” sa mga nakalipas na buwan.

Nagpahayag ng kasiyahan si VAdm. Adaci sa tulong ng ROK sa pag-buo ng mga bagong frigates, corvettes at offshore patrol vessels ng Philippine Navy sa South Korea.

Binati naman ni Adm. Lee Jong-Ho ang Philippine Navy sa kanilang mga matagumpay na aktibidad kamakailan, at nagpahayag ng pagnanais na magkaroon ng mas marami pang aktibidad sa pagitan ng Philippine at ROK Navy sa hinaharap. | ulat ni Leo Sarne

📸: S1PH Hans Bryan Lim PN / NPAO

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us