PhilHealth, kinalampag ng isang mambabatas na dagdagan ang service providers para sa “Konsulta Package Program”

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nanawagan si Anakalusugan Party-list Representative Ray Reyes sa Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth), na dagdagan ang service providers para sa Konsultasyon Sulit at Tama o ang “Konsulta Package Program.”

Sakop ng programa ang “initial at follow-up primary care consultations, health screening at assessment, at iba pa sa ilang piling diagnostic services at gamot.

Ngunit, hanggang ngayon ay kulang pa rin ang providers para maserbisyuhan ang milyon-milyong PhilHealth members.

Batay sa datos ng PhilHealth hanggang noong March 31, 2023 — 1,931 pa lamang ang accredited Konsulta providers mula sa 5,014 na dapat naka-enroll sa programa.

Dahil naman dito ay hindi sumasapat ang serbisyo para sa mga miyembro ng state health insurer.

Kasabay nito ay umaasa si Reyes, na mapagtibay rin ang kaniyang panukalang House Bill No. 430 o libreng “annual medical check-ups” kabilang ang blood sugar at cholesterol tests para sa lahat ng mga Pilipino. | ulat ni Kathleen Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us