Philippine Army, malugod na tinanggap ang suporta ni SP Zubiri sa modernization program

Facebook
Twitter
LinkedIn

Malugod na tinanggap ni Philippine Army Chief Lieutenant General Romeo Brawner Jr. ang suporta ni Senate President Juan Miguel Zubiri sa modernisasyon ng Philippine Army.

Ito’y sa pagpupulong ng dalawang opisyal, sa pagbisita ng senador sa Philippine Army Headquarters sa Fort Bonifacio kahapon.

Dito’y tiniyak ni Sen. Zubiri kay Lt. Gen. Brawner na sisiguraduhin ng Senado na mayroong modernong kagamitan at teknolohiya ang Philippine Army para mas mahusay na mapaglingkuran ang bayan.

Sinabi ni Sen. Zubiri na ibibigay niya ang kanyang buong suporta para masiguro ang pondo sa ongoing Horizon 2 at susunod na Horizon 3 ng Armed Forces of the Philippines (AFP) Revised Modernization Program; at sa panukalang pagbuhay ng mandatory Reserve Officers Training Corps (ROTC) Bill.

Nagbigay naman ng briefing sa senador ang Army Staff tungkol sa mga accomplishment, mga kasalukuyang proyekto at konsepto para sa implementasyon ng ipinapanukalang mandatory Reserve Officer Training Corps (ROTC). | ulat ni Leo Sarne

📸: Cpl. Rodgen Quirante PA/OACPA

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us