Philippine Red Cross, kinilala ang kontribusyon ng emergency medical services sa paglilingkod sa publiko

Facebook
Twitter
LinkedIn

Binigyang-pugay ng Philippine Red Cross ang Emergency Medical Services dahil sa mahalagang papel nito sa pagsalba ng buhay at pagtataguyod sa kalusugan ng publiko.

Kaisa ang PRC sa paggunita ng Emergency Medical Services Week na ang layunin ay kilalanin ang dedikasyon at commitment ng mga personnel nito sa buong bansa.

Ayon kay PRC Chairman Richard Gordon, nagsisilbing lifeline ang EMS sa mga nangangailangan ng agarang atensyong medikal.

Walang pagod aniyang nagsisilbi ang highly skilled teams upang masigurong walang buhay ang masasayang.

Sa unang limang buwan ng taong 2023, nakapagserbisyo na ang EMS sa 13,210 individuals habang ang ambulance transport services ay napakinabangan ng 2,052 patients.

Mula May 1 hanggang 21 ay nakapaghatid na rin nang libre ang ambulansya ng Red Cross sa 94 na pasyente.

Idinagdag pa ng PRC na napapabuti ng presensya at expertise ng EMS teams ang tsansa ng paggaling ng mga nakararanas ng sakit o nagtatamo ng injuries. | ulat ni Hajji Kaamiño

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us